IBCTV13
www.ibctv13.com

BI: Notorious Chinese pickpocket gang, naharang sa NAIA

Ivy Padilla
92
Views

[post_view_count]

Interception of one of the three Chinese men involved in a theft incident on a flight to Manila. (Photo by Bureau of Immigration)

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals na kilalang miyembro ng notorious na ‘pickpocket gang’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Linggo, Setyembre 15.

Ayon sa BI, napag-alamang nagnakaw ng isang handbag at perang nagkakahalaga ng P63,000 ang mga suspek sa isang flight ng Philippine Airlines mula Kuala Lumpur, Malaysia patungong Manila.

Nahuli umano ang mga dayuhan sa akto ng isang flight attendant habang binubuksan at hinahalungkat ang gamit ng biktima sa ‘overhead stowage bin’.

Kinilala ang tatlong Chinese na sina Lyu Shuiming, Xu Xianpu, at Xie Xiaoyong.

Agad inaresto ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) si Lyu matapos mapag-alamang may valid visa ito para pumasok ng Pilipinas habang sumakay naman sa isang outbound flight ang dalawa pa nitong kasamahan.

Inirerekumenda nang isama ang tatlong Chinese nationals sa blacklist ng BI.

“We will not allow these kinds of foreigners to victimize our kababayan. The BI will continue to monitor the progress of this case, and blacklist any other members that might be found,” saad ni BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado. -VC

Related Articles