IBCTV13
www.ibctv13.com

Bigtime price hike sa produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo – DOE

Ivy Padilla
133
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC News

Asahan ng mga motorista ang malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE).

Maglalaro mula P2-P2.30 kada litro ang dagdag-singil sa gasolina.

Nasa P2.35-P2.65 kada litro naman ang i-aangat sa presyo ng diesel habang P2.45-2.55 kada litro ang umento sa kerosene.

Ang taas-presyo ay resulta ng tumitinding bakbakan sa gitnang silangan kung saan nagpapatong ng ‘war premium’ ang mga oil trader sa presyo ng krudo sa world market ayon pa sa DOE. -VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

693
Views

National

145
Views

National

Alyssa Luciano

46
Views