IBCTV13
www.ibctv13.com

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba sa 3.1% noong Disyembre 2024 – PSA

Ivy Padilla
253
Views

[post_view_count]

Department of Labor and Employment conducted a job fair as part of its Project DAPAT. (Photo by JM Pineda, IBC 13)

Bumaba sa 3.1% ang unemployment rate sa Pilipinas o katumbas ng 1.63 milyong mga Pilipinong walang trabaho para sa buwan ng Disyembre 2024, batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay mas mababa kumpara sa 3.2% o 1.66 milyon na naitala noong Nobyembre 2024.

Kasabay na bumaba nitong Disyembre ang underemployment rate na lumapag sa 10.9% o bilang ng mga manggagawang hindi nakatatanggap ng sapat na sweldo at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan mula sa 11.9% sa kaparehong buwan noong 2023.

Nakitaan naman ng 96.9% na pagtaas ang employment rate na katumbas ng 50.19 milyong mga Pilipinong may trabaho noong Disyembre 2024 mula sa 96.8% o 49.54 milyon noong Nobyembre 2024.

Ayon sa PSA, nangungunang contributor sa paglago ng labor force ang service sector na may 60.5% share, sinundan ng agriculture sector na may 21.3% at industry sector na may 18.3%.

Sa kabuuan, pumalo sa 65.1% ang labor force participation rate para sa buwan ng Disyembre 2024. – VC