IBCTV13
www.ibctv13.com

BSP: Inflation rate sa buwan ng Hulyo, maglalaro mula 0.5-1.3%

Ivy Padilla
123
Views

[post_view_count]

Agricultural products for sale at a grocery store in Quezon City (File Photo)

Posibleng bumagal sa 0.5% hanggang 1.3% ang antas ng inflation sa bansa para sa buwan ng Hulyo 2025 batay sa inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, isa sa mga nakikitang makatutulong sa pagpapababa ng antas nito ang nagpapatuloy na mababang presyo ng produktong bigas.

Kabilang naman ang mataas na singil sa kuryente at presyo ng karne at gulay bunsod ng hindi magandang lagay ng panahon sa inaasahang contributor ng inflation.

“Going forward, the BSP will continue to monitor developments affecting the outlook for inflation and growth in line with its data-dependent approach to monetary policy decision-making,” saad ng BSP.

Ang pagtataya ng bangko ay mas mababa kaysa sa 1.4% na headline inflation na naitala noong buwan ng Hunyo 2025. – AL