IBCTV13
www.ibctv13.com

Budget ng PhilHealth para sa 2025, sapat pa – DOH

Jerson Robles
603
Views

[post_view_count]

DOH Secretary Dr. Teodoro Herbosa on a press briefing (Screengrab from PIA)

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na may sapat na pondo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matustusan ang mga benepisyo ng kanilang mga miyembro, sa kabila ng desisyon na hindi ito bigyan ng pondo para sa taong 2025.

Ayon kay Herbosa, handa ang DOH na maglaan ng P80 billion na subsidy para sa mga indirect member ng Philhealth.

“Wala pong mawawalang benepisyo. Mga nananakot lang at nanga-agitate ang nagsasabing mawawala ang benepisyo ng PhilHealth. Napakarami po ng pera ng PhilHealth,” pahayag ni Herbosa.

Matatandaang noong 2024 ay isinapinal ng Kongreso ang P64.419 billion na pondo ng PhilHealth mula sa panukala nitong budget na P74.431 billion.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Herbosa na mayroong P600 billion na reserve funds ang Philhealth na maaaring gamitin upang masustentuhan ang kanilang operasyon.

Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagbabayad sa mga ospital upang masiguro ang tuluy-tuloy na benepisyo para sa mga miyembro.

Sa kabila ng zero subsidy, siniguro naman ni Herbosa na ang operasyon at serbisyo ng PhilHealth ay mananatiling nakatuon sa kapakanan ng mga Pilipino. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

77
Views

National

126
Views

National

121
Views