IBCTV13
www.ibctv13.com

Bulkang Kanlaon, niyanig ng 19 volcanic earthquakes – PHIVOLCS

Divine Paguntalan
476
Views

[post_view_count]

Degassing of Kanlaon volcano. (Screengrab from PHIVOLCS)

Umakyat pa hanggang 19 volcanic earthquakes ang naranasan sa bulkang Kanlaon sa Negros Island batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) mula sa 12 nitong Miyerkules, Oktubre 16.

Naglabas ng 3,091 tonelada ng asupre ang bulkan habang umabot naman sa 750 metrong taas ang abong ibinuga nito na maituturing na malakas na pagsingaw at napadpad patungo sa direksyong kanluran at timog-kanluran.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion.

Samantala, nanatili sa dalawa ang phreatic eruption na naitala sa bulkang Taal at tumagal ng lima hanggang siyam na minuto.

Bagaman walang volcanic earthquake, patuloy ang paglabas nito ng asupre na umabot sa 1,577 tonelada habang nasa 900 metrong taas naman ang abo na ibinuga nito na napadpad sa kanluran timog-kanluran at timog-kanluran.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures pati na rin ang pamamalagi sa lawa ng Taal dahil sa inaasahang biglaang pagputok ng stea o phreatic explosions, volcanic earthquake, ashfall, at pagbuga ng mga nakalalasong gas mula sa bulkan.

Wala namang naitalang pagyanig sa bulkang Mayon habang isang volcanic earthquake lang ang naobserbahan sa bulkang Bulusan. —VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

69
Views