Nagbuga ang Kanlaon Volcano sa Negros Island ng ‘gray ash’ na umabot ng 800 metrong taas na nagtagal ng 19 minuto sa pagitan ng 7:20 a.m. hanggang 7:39 a.m. ngayong Biyernes, Nobyembre 1.
Napadpad ang abo sa direksyong Northwest-west kung saan wala naman na-detect na seismic o infrasound signal.
Umabot din sa 84 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Bukod pa rito ay naglabas din ang bulkan ng 5,866 tonelada ng sulfur dioxide flux o asupre habang patuloy din ang pamamaga nito.
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong permanent danger zone (PDZ), gayundin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng Kanlaon.
Hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkan Kanlaon. -AL