Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na isang ‘minor phreatomagmatic eruption’ ang naranasan ng Taal Volcano sa Batangas bandang 11:32 a.m. ngayong Sabado, Oktubre 5.
Tumagal ang pagsabog ng apat (4) na minuto base sa visual, seismic at infrasound records ng Taal Volcano Network (TVN).
Umabot sa 2000 metrong taas ng abo ang ibinuga ng bulkan na napadpad sa direksyong timog-kanluran.
Bago pa ito, limang (5) phreatic eruptions na ang naitala ng PHIVOLCS ngayong araw kung saan umabot na sa kabuuang 30 ‘minor eruptive events’ ang naitala mula pa noong Setyembre 22.
Gayunpaman, nakasailalim pa rin sa Alert Level ang bulkan.
Patuloy na hinihikayat ang mga residente malapit sa lugar na huwag nang pumasok sa permanent danger zone ng Bulkang Taal upang maiwasan ang anumang panganib at sakuna.