
Nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ngayong araw, Nobyembre 6, bilang bahagi ng maagang paghahanda sa epekto ng paparating na Super Typhoon Uwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mataas ang tsansa na dumaan ang Uwan sa probinsiya ng Cagayan.
Kabilang sa mga hakbang ng Cagayan PDRRMO ang pre-deployment at prepositioning ng mga relief item.
Ayon pa kay PDRRMO Head Rueli Rapsing, irerekumenda nila ang activation ng area command kung saan walong Incident Management Team ang magiging aktibo kasama na ang Purok Disaster Brigade at Community Emergency Responders. (Ulat mula kay Mary Anne Tolentino)











