IBCTV13
www.ibctv13.com

Canadian PM Trudeau, nagbitiw na sa pwesto

Divine Paguntalan
130
Views

[post_view_count]

Canadian Prime Minister announced his resignation as Prime Minister and leader of Liberal Party. (Screengrab from Justin Trudeau/Facebook)

Nagbitiw na sa pwesto si Prime Minister Justin Trudeau bilang lider ng Liberal Party at punong ministro ng Canada matapos ang halos 10 taon sa pamumuno.

Sa isang press conference sa Ottawa, inihayag ni Trudeau ang pag-alis niya sa opisina sa oras na magkaroon ng panibagong lider ang kanilang partido sa pamamagitan ng isang “robust, nationwide, competitive process.”

“I intend to resign as party leader, as prime minister, after the party selects its next leader through a robust, nationwide, competitive process,” saad ng punong ministro.

“I will always be motivated by what is in the best interest of Canadians,” dagdag niya.

Kasabay ng kanyang pamamaalam, nagdeklara si Trudeau ng prorogation o pansamantalang pagsasara ng session hanggang Marso 24, 2025 upang bigyang-daan ang Liberal Party na makahanap ng magiging panibagong mukha ng kanilang partido para sa susunod na eleksyon.

Ilan sa mga matunog na pangalan na posibleng humalili sa pagka-punong ministro ay sina Foreign Minister Melanie Joly, Innovation Minister Francois-Philippe Champagne, dating central banker Mark Carney, at Finance Minister Dominic LeBlanc. – VC

Related Articles

International

Ivy Padilla

984
Views

International

Divine Paguntalan

276
Views