IBCTV13
www.ibctv13.com

Ceasefire sa pagitan ng Israel-Hezbollah, epektibo na

Divine Paguntalan
120
Views

[post_view_count]

Damaged infrastructures in the southern suburbs of Beirut, Lebanon. (Photo by VOA)

Pansamantalang nagtapos ang ilang buwang karahasan sa pagitan ng Israel at militanteng grupo na Hezbollah sa Lebanon matapos maging epektibo ang ceasefire agreement sa dalawang panig nitong Miyerkules, Nobyembre 27.

Bagaman pansamantalang natigil ang gulo, nanatili ang babala ng Israeli military sa evacuees na huwag munang bumalik sa kani-kanilang tahanan matapos magpahayag ang dalawang kampo ng kahandaan sa retaliation sa oras na may lumabag sa naturang kasunduan.

Pinuri naman ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang kasunduan at itinuring ito bilang isang mahalagang hakbang para tuluyang matigil ang kaguluhan sa Gaza Strip at mabawasan ang karahasan sa buong Middle East.

Samantala, inilarawan naman ni incumbent U.S. President Joe Biden ang ceasefire bilang babala sa Hezbollah at Hamas kung saan binanggit niya na may karapatan ang Israel sa ‘self-defense’ sakaling magsimula muli ng gulo ang dalawang militanteng grupo.

“Let me be clear, if Hezbollah or anyone else breaks the deal and poses a direct threat to Israel, then Israel retains the right to self-defense consistent with international law, just like any country in facing a terrorist group pledged to that country’s destruction,” matapang na pahayag ni Biden.

Sa ngayon, suportado ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang truce at iginiit na malaki ang pangangailangan na pagtuunan muna ng pansin ang Gaza mula sa malaking banta ng Iran.

Binigyang-diin ni Netanyahu na handa ang Israel na muling umatake kung lalabagin ng Hezbollah ang mga kondisyon ng kasunduan. – VC

Related Articles

International

Divine Paguntalan

98
Views

International

Divine Paguntalan

321
Views