IBCTV13
www.ibctv13.com

Cloud cluster sa labas ng PAR, ganap nang LPA; Typhoon Marce, patuloy na humihina

Ivy Padilla
671
Views

[post_view_count]

Satellite image of Typhoon Marce and a low pressure area as of 7:40 a.m. today, November 8. (Photo by PAGASA)

Isa nang ganap na low pressure area (LPA) ang cloud clusters na binabantayan sa Pacific Ocean batay sa 4:00 a.m. weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Nobyembre 8.

Huli itong namataan sa layong 1,975 kilometro silangan ng Southeastern Luzon kung saan posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga.

Hindi naman inaalis ng weather bureau ang posibilidad na maging ganap na Tropical Depression ang nasabing LPA pagpasok sa PAR na papangalanan bilang bagyong Nika.

Samantala, mas humina pa ang Typhoon Marce (Yinxing) habang nasa katubigang bahagi ng Pasuquin, Ilocos Norte as of 7:00 a.m. ngayong araw.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 kilometro West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte, taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 150 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 205 km/h.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3, 2, at 1 sa malaking bahagi ng Northern Luzon.

Sa latest track ng PAGASA, patuloy na kikilos ang bagyong Marce patungong kanluran at inaasahang lalabas sa PAR mamayang hapon o gabi.

Nakikita naman na hihina na ang bagyo sa mga susunod na araw dahil sa ‘dry air intrusion’ mula sa northeasterly wind flow, subalit mananatili sa typhoon category hanggang paglabas sa PAR region.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

54
Views