IBCTV13
www.ibctv13.com

COC filing sa Shariff Aguak, nauwi sa gulo; isang indibidwal, patay

Divine Paguntalan
392
Views

[post_view_count]

An altercation in front of the Shariff Aguak Municipal Hall erupted during the last day of COC filing on October 8, 2024. (Screengrab from Shariff Aguak MPS)

Nasawi ang isang village guard mula sa nangyaring gulo sa Municipal Hall ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) nitong Martes, Oktubre 8.

Kwento ni Shariff Aguak Municipal police chief Lt. Col. Reggie Albellera, ang nasawi ay miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa pagbabarilan ng mga tagasuporta ng magkalabang partido.

Nadamay din sa gulo ang anim pang indibidwal na nagtamo ng mga sugat.

“The altercation erupted just outside the municipal hall grounds where the COC filing was taking place,” saad ni Albellera.

Ayon kay Albellera, nagsimula ang gulo matapos i-reject ng Commission on Elections (COMELEC) office sa kanilang bayan ang mga dokumento na ipinresenta ng isang vice mayoral candidate dahil sa kakulangan at kalauna’y nadiskubreng may ‘outstanding warrants for murder’.

“The candidate only presented a certificate of nomination but did not have his COC,” dagdag ng chief.

Ikinagalit ito ng mga tagasuporta ng kandidato at tuluyan nang nakipagtalo sa rival supporters sa labas ng Municipal hall.

Mariing kinondena ni Mayor Akmad Ampatuan ang nangyari at nanawagan sa mga pulis at militar para paigtingin ang seguridad sa town hall upang hindi na maulit ang insidente. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views