IBCTV13
www.ibctv13.com

College grad sa Davao Oriental, tinupad ang pangarap ng magulang na magkaroon ng anak na nakatapos sa pag-aaral

Jen Taying
852
Views

[post_view_count]

A touching family photos went viral online as they celebrate the first college graduate in the family.

Maraming netizens ang naantig sa kwento ng college graduate na si Eduaro Bakio Abella mula sa Mati, Davao Oriental, na naging determinasyon ang pangarap ng kanyang ama’t ina na magkaroon ng kahit isang nakatapos na anak upang magsumikap siya sa pag-aaral.

Sa mga ibinahaging family pictures ni Eduaro na ngayon ay may mahigit 45,000 reactions na sa Facebook, naging emosyonal ang kanyang tatay at nanay nang makita siyang nakasuot ng itim na toga.

“I dropped by to take some pictures with my family. My father didn’t even know that I was graduating. He was surprised, cried, and said he wasn’t dressed properly. I told him it’s okay, it doesn’t matter. And then, I cried when I told them, “Ma, Pa, I’m graduating today,” paglalahad niya.

Kwento ni Eduaro sa IBC-13 Digital, siya lang ang tanging nakatapos sa kanilang limang magkakapatid na bunga aniya ng sipag at tyaga ng amang gumagawa ng walis ting-ting at nagbubunot ng niyog at sa kanyang ina na isang housewife.

Grumadweyt si Eduaro sa kursong Bachelor of Science in Agriculture, Major in Horticulture sa Davao Oriental State University. -VC