IBCTV13
www.ibctv13.com

Commerce official ng U.S. bumisita sa bansa para palakasin pa ang kalakalan ng PH-US

Alyssa Luciano
145
Views

[post_view_count]

United States Undersecretary of Commerce for International Trade Marisa Lago (Photo by ITA)

Dumating na ang United States Undersecretary of Commerce for International Trade sa Pilipinas para patatagin pa ang samahan ng dalawang bansa sa sektor ng kalakalan at pamumuhunan.

Simula Nobyembre 12-15, si Usec. Marisa Lago ay bibisita sa Maynila at Clark sa Pampanga para palaguin pa ang pamumuhunan sa dalawang lugar bilang bahagi ng ‘US smart cities trade mission.’

Bibigyan ng pansin ng mataas na opisyal ang pagpapalawak pa sa bilateral trade at investment, partikular na sa sektor ng “digital technology, infrastructure, civil nuclear cooperation” pati na ang mga babaeng negosyante.

Makakasama ni Lago sa Maynila sina Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Regional Operations Group Blesila Lantayona at Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Paul Joseph Mercado.

Isang roundtable meeting din ang pangungunahan ni Lago kasama ang mga delegado ng pamahalaan, mga kinatawan ng sektor ng paggawa, pati na ang mga kababaihang negosyante.

Nakatakda pang makapulong ng babaeng opisyal ang mga lider mula sa Asian Development Bank (ADB) upang matukoy ang mga pamumuhunan na maaaring isagawa sa Pilipinas nang mapalawak pa ito sa iba pang rehiyon.

Bahagi rin ng kanyang pagbisita na saksihan ang paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng UltraPass ID Corporation at Department of Transportation (DOTr).

Sa Pampanga naman ay ipapakilala niya ang mga pamumuhunan ng Estados Unidos sa sektor ng imprastraktura partikular na sa Luzon Economic Corridor (LEC).

Inaasahan na mas mapapalakas ng Estados Unidos ang economic partnerships ng Indo-Pacific region para sa paglago pa ng ekonomiya ng dalawang bansa. -VC

Related Articles