IBCTV13
www.ibctv13.com

Concerned agencies ng pamahalaan, nakahanda sa pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Julian – PBBM

Divine Paguntalan
359
Views

[post_view_count]

Ruins caused by Typhoon Julian in Sabtang, Batanes. (Photo by San Marcelino PIO)

Tiniyak mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinaiigting ng pamahalaan ang pagbabantay sa mga lugar at residenteng apektado ng pananalasa ng bagyong Julian sa Northern Luzon.

Ayon sa Pangulo, nakatakda sana siyang pumunta sa Ilocos upang personal na kumustahin ang kalagayan ng mga residente ngunit walang patid ang pag-ulan.

“I was supposed to go to Ilocos yesterday (Sunday) pero wala na. Iyong weather, sumama na nang husto bagsak ng ulan. So, we ‘re just watching it and seeing what will be needed pagkatapos [ng] pagdaan ng bagyo,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Maagang nag-preposition ng family food packs (FFPs) sa satellite warehouses sa lalawigan ng Ilocos Norte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Setyembre 28 upang mas madali itong maipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Narito naman ang kabuuang tulong na nakahanda para sa Regions I at II gayundin sa Cordillera Administrative Region (CAR):

Pinapayuhan din ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na sumunod sa mga anunsyo ng awtoridad upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Matatandaang nagbabala ang ahensya sa posibilidad na itaas ang bagyong Julian sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5. – VC

Related Articles