IBCTV13
www.ibctv13.com

Copenhagen Infrastructure Partners, planong mamuhunan ng $3-B sa Pilipinas

Hecyl Brojan
68
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. received the officials from the Copenhagen Infrastructure Partners (CIP) during a courtesy call at Malacañang Palace on Tuesday. (Photo from PCO)

Nagpahayag ng buong tiwala ang Copenhagen Infrastructure Partners (CIP) mula Denmark na mamuhunan sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang courtesy call sa Malacañang nitong Martes, Nobyembre 4.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinahayag ng kumpanya ang interes nitong mamuhunan sa renewable energy sector ng bansa sa pamamagitan ng ACEN – Renewable Energy Solutions.

Ibinahagi rin ng CIP ang planong $3-bilyong offshore wind farm project sa Camarines Sur, na magiging kauna-unahan nilang proyekto sa buong Southeast Asia.

Itinuring naman ito ng Pangulo bilang mahalagang hakbang sa layunin ng pamahalaan na isulong ang malinis at bagong klase ng enerhiya upang unti-unting bawasan ang paggamit ng fossil fuels.

“Ayon kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga ang investment ng kumpanya dahil sa hangarin ng pamahalaan na mag-shift mula sa fossil fuels patungong renewable energy,” ani Castro.

Ayon sa Malacañang, ang ganitong mga hakbang ay patunay ng mataas na kumpiyansa ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas, habang patuloy na isinusulong ng administrasyon ang green energy transition na magbubukas ng libo-libong trabaho at bagong oportunidad para sa mga Pilipino. (Ulat mula kay Eugene Fernandez) –VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

68
Views

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

115
Views