IBCTV13
www.ibctv13.com

Crime rate sa Pilipinas, bumaba sa 26.76% ngayong 2025 – PNP

Ivy Padilla
172
Views

[post_view_count]

Photo by PNA

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil na bumaba sa 26.76% ang overall crime rate sa Pilipinas mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2025.

Ito ay katumbas ng 3,528 mga kaso na mas mababa kumpara sa 4,817 krimen na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

Kabilang sa mga bumaba ang ‘focus crimes’ tulad ng theft, robbery, rape, murder, homicide, physical injury, at carnapping ng mga motorsiklo at motor vehicles.

Sa listahan na ito, naitala sa kasong rape ang pinakamalaking pagbaba na bumagsak ng 50.6% o mula 1,261 kaso noong 2024 patungong 623 kaso ngayong taon.

“These figures reflect our firm commitment to ensuring safer communities. The data speaks for itself—crime is going down. Our strategic efforts, public cooperation, and the use of technology are making a real impact,” saad ni Marbil.

Binigyang-diin ni Marbil na ang tagumpay na ito ay alinsunod sa pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas ligtas na Bagong Pilipinas.

Iniugnay din niya ang pagbaba ng kriminalidad sa patuloy na pagsisikap ng mga law enforcement agency na palakasin ang police visibility, pagpapaigting ng intelligence at investigative operations at pagpapalawak sa paggamit ng digital platform at teknolohiya sa paglutas at pagtugon sa mga krimen.

Sa huli ay hinikayat ng opisyal ang publiko na manatiling mapagmatyag sa paligid at isumbong agad sa awtoridad ang mga kanina-hinalang aktibidad. – AL

Related Articles

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

90
Views

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

101
Views

National

Hecyl Brojan

32
Views