IBCTV13
www.ibctv13.com

Dagdag na tulong sa mga biktima ni STS Kristine, hatid ni PBBM sa CamSur

Ivy Padilla
368
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Saturday visited the victims of Severe Tropical Storm Kristine in Bula, Camarines Sur, to personally check on their condition and provide cash assistance to the needy. (Screengrab from RTVM)

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga biktima ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine sa Bula, Camarines Sur ngayong Sabado, Oktubre 26 upang personal na matiyak ang kanilang lagay at maghatid ng tulong pinansyal sa mga apektadong residente sa lugar.

“Pinuntahan ko lang [po kayo] para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa inyo,” saad ng Pangulo.

Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpaabot ng cash assistance at karagdagang family food packs (FFPs) ang punong ehekutibo sa mga bakwit na uuwi na sa kani-kanilang tahanan.

Magagamit nila ito bilang panimula matapos salantahin ng malakas na bagyo ayon sa Pangulo.

“Kaya’t mabigat itong nangyari sa inyo at napakalaki ng tubig na dumaan. Ang mahirap kasi ay ‘yung baha –- nanggaling kami sa Bula, hindi gumagalaw talaga ‘yung tubig eh. Hindi talaga gumagalaw ang tubig kaya hahanapan natin ng paraan ‘yan,” ani Pangulong Marcos Jr.

“Ngunit para sa ngayon ay asahan ninyo basta’t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si (DSWD) Secretary Rex (Gatchalian), nandito ‘yung mga ibang Cabinet secretary para marinig mula sa inyo kung ano ‘yung mga pangangailangan ninyo,” dagdag nito.

Tiniyak ng lider na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan. -VC

Related Articles