Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng Region II (Cagayan Valley), Region III (Central Luzon), at Region XII (SOCCSKSARGEN) ang dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento alinsunod sa ‘Labor Day directive’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa RTWPBs, ang taas-sahod na ito ay dumaan sa isang ‘collaborative consensus’ na inaprubahan ng mga bawat miyembro ng board.
Narito ang mga pagtaas sa mga nasabing rehiyon:
- Cagayan Valley – P30 increase
P480 (P450) – Non-Agriculture Sector
P460 (from P430) – Agriculture Sector
- Central Luzon – P50-P66 increase
P500-P550 – Non-Agriculture Sector
P485-P520 – Agriculture Sector
P435-P540 – Retail and Service Establishments
- Soccsksargen – P27-P48 increase
P430 – Non-Agriculture Sector
P410 – Agriculture Sector
P430 – Retail and Service Establishments
Nasa kabuuang 905,000 minimum wage earners ang inaasahang direktang makikinabang sa taas-sahod mula sa mga nabanggit na rehiyon kung saan nasa 1.7 milyong full-time wage and salary workers na kumikita ng minimum na sahod ang ‘indirectly’ na mabebenipisyuhan.