Maghahati sa P8,910.000.00 na jackpot prize ang dalawang lucky bettor na nanalo sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 5.
Maswerte nilang nahulaan ang winning combinations 7 – 20 – 40 – 13 – 11 – 8.
Samantala, bigo namang mauwi ang tumataginting na P50,296,058.40 jackpot sa Grand Lotto 6/55.
Ito ay matapos walang makahula sa winning digits na 24 – 33 – 14 – 43 – 6 – 39.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL