IBCTV13
www.ibctv13.com

Dalawang sunog sa Maynila, umabot sa Task Force alarm level

Ivy Padilla
96
Views

[post_view_count]

Fire broke out in Barangay 650, Port Area and Moriones St. Road 10, Brgy. 123, Tondo today, April 23. (Photo by Manila DRRM Office)

Maagang nabulabog ang mga residente sa Maynila matapos sumiklab ang dalawang malalakas na sunog sa magkahiwalay na lugar sa lungsod na kapwa itinaas sa alarm level na Task Force Alpha at Charlie ngayong madaling araw ng Miyerkules, Abril 23.

Batay sa ulat, sumiklab ang unang sunog sa isang residential area sa Barangay 650 sa Port Area bandang 12:03 ng umaga.

Itinaas ito sa Task Force Alpha bandang 12:25 a.m. bago idineklarang fire out ng mga awtoridad kaninang 6:59 a.m.

Hindi pa man tuluyang naapula ang unang sunog, sinundan agad ito ng panibagong insidente matapos sumiklab ang apoy sa isa ring residential area sa Moriones St. Road 10 sa Brgy. 123 sa Tondo bandang 1:56 a.m.

As of 7:09 a.m., idineklara bilang fire under control ang apoy na patuloy na inaapula ng mga bumbero.

Sa ngayon ay wala pang datos kaugnay sa kabuuang pinsala ng dalawang sunog o kung may nasaktan man mula sa nasabing mga insidente. – AL

Related Articles