IBCTV13
www.ibctv13.com

Dating bagyong Kristine, nag-landfall sa Vietnam; hindi na babalik sa PAR

Michael Peronce
1178
Views

[post_view_count]

Tropical Storm Trami (formerly known as STS Kristine) made landfall over Vietnam on Sunday afternoon, October 27. (Photo Courtesy: CyclonicWx/WesPacWeather)

Tuluyan nang nag-landfall ang Tropical Storm (TS) na may international name na Trami at dating Severe Tropical Storm (STS) Kristine sa bahagi ng Vietnam ngayong Linggo ng hapon, Oktubre 27.

Ayon sa national weather forecast agency ng Vietnam, posibleng umabot sa 600 milimetrong (mm) ulan ang ibuhos ni Trami sa mga probinsya ng Quang Binh at Quang Nam ngayong araw hanggang Lunes, Oktubre 28.

Inaasahang unti-unti itong hihina sa mga susunod na oras bago mag-recurve pabalik sa dagat.

Hindi na rin nakikita ng ilang global weather models ang ‘fujiwara effect’ ni Trami sa Tropical Storm Kong-Rey na ngayon ay bagyong Leon at kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Matatandaang pinangangambahan na mag-U-turn si Trami pabalik sa PAR at makaapekto muli sa bansa.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Leon na huling namataan sa layong 1,000 kilometro silangan ng Central Luzon. 

Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 75 km/h at pagbugsong umaabot naman hanggang 90 km/h.

Related Articles