IBCTV13
www.ibctv13.com

Dating Pangulong Duterte, walang nakikitang dahilan para bigyang kritisismo si Pangulong Marcos Jr.

Ivy Padilla
673
Views

[post_view_count]

Photo by Presidential Communications Office/File

Binigyang-diin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala aniyang nagawang malaking pagkakamali si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat punain o bigyang kritisismo.

Sa isinagawang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan national assembly sa Davao City nitong Biyernes, Setyembre 20, sinabi ni dating Pangulong Duterte na wala siyang problema sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. hanggang tumatakbo nang maayos ang pamahalaan.

“Wala namang masasabi [na malaking pagkakamali], otherwise I would be the first really to shout… I think I can live with him, I can bear with him,” saad ni Duterte.

“As long as [the] government is run in a regular way, wala naman tayong problema,” dagdag nito.

Related Articles