IBCTV13
www.ibctv13.com

DBM, naglaan ng higit P997-M para lalong palakasin ang ‘Doktor Para sa Bayan’ program sa 2026

102
Views

[post_view_count]

The government launched a school-based immunization program in Camalig, Albay, providing vaccines and health services to over 1,000 Filipinos as part of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s nationwide health initiative. (Photo from DOH)

Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., suportado ng Department of Budget and Management ang pagpalakas sa “Doktor Para sa Bayan” program upang makapaglaan ang bansa ng mas maraming doktor sa mga lugar nitong kulang sa serbisyong medikal.

Nasa kabuuang P997.71 milyon ang inilaan ng gobyerno sa ilalim ng FY 2026 National Expenditure Program na sumasakop sa P909.99 milyon para sa Medical Scholarhip and Return Service Program ng Commission on Higher Education at P87.71 milyon para sa Pre-Service Scholarship Program ng Department of Health.

“As the President said, the health and education of our young generation are the most valuable investment we can make for our nation’s future. Kaya hindi po tayo magdadalawang-isip na suportahan ang ating mga iskolar at future doctors ng bayan. Each scholar we support today is a future doctor who will one day care for our families and communities,” sabi ni Sec. Amenah Pangandaman.

Medical Scholarhip and Return Service Program

Ang pagpapatupad ng MSRS Program ay batay sa bisa ng Republic Act No. 11509 or the “Doktor Para sa Bayan Act,” na layong maitaas ang bilang ng mga doktor na magseserbisyo sa mga pampublikong ospital at mga lugar na kulang sa serbisyong medikal sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagbibigay ito ng libreng pag-aaral at tulong-pinansyal sa mga karapat-dapat na estudyanteng Pilipino na nagnanais maging doktor, kapalit ng kanilang serbisyo sa mga pamayanang may kakulangan sa mga manggagamot.

Mula sa alokasyon na P500 milyon sa 2024 General Appropriations Act, binigyan ng mas mataas na pondo ang programa nitong 2025 na nagkakahalagang P909.99 milyon bunsod ng paglawak ng mga Doctor of Medicine program sa mga state universities and colleges.

Noong Oktubre 7, 2025 ay nagpalabas din ang DBM ng karagdagang P179.977 milyon para pondohan ang dagdag na pangangailangan ng programa ngayong taon na inaasahang magbibigay ng suporta sa 2,242 scholars.

Pre-Service Scholarship Program

Samantala, nagpapatuloy rin ang suporta ng gobyerno sa Medical and Allied Health Scholarship Program na ipinatutupad ng DOH.

Para sa susunod na taon, nasa P87.71 milyon ang inilaan para sa PSSP na magbibigay ng suporta sa 245 medical scholars, 122 medical technology scholars, at 104 pharmacy scholars. (DBM)

Related Articles