IBCTV13
www.ibctv13.com

DBM, naglabas ng P1.665-B pondo para tulungan ang mga magsasaka sa ‘rice seed’ program

Department of Budget and Management
107
Views

[post_view_count]

The Department of Agriculture (DA) plans to use the excess 2019 rice tariff collections for crop diversification and expanded crop insurance programs. And Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman reaffirmed the agency’s full support for President Ferdinand R. Marcos Jr.’s vision of inclusive development (Photos from DA, DBM)

Bilang patunay sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P1.665 bilyong pondo bilang karagdagang suporta sa “rice seed” program.

Ang programang ito, na ipinatutupad ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (PhilRice), ay layuning paunlarin, paramihin, ipamahagi, at itaguyod ang paggamit ng de-kalidad na inbred rice seeds sa mga magsasaka, gayundin ang palakasin ang mga kooperatiba at asosasyon ng mga seed growers.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, “Ang layunin po ng ating Pangulo ay mapataas ’yung produksyon at kita ng ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng nararapat na suporta. Kaya po inaprubahan natin ang pagpapalabas ng karagdagang P1.665 bilyong pondo para sa nasabing Programa upang tuluy-tuloy ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at may sapat na suplay ng bigas mula sa mga rehiyon.”

Ang P1.665 bilyong pondo ay gagamitin para sa pagbili, pagdadala, at pamamahagi ng mga inbred-certified seeds para sa 2026 dry season. Kasama rin dito ang pagbili ng mga sasakyan at makinaryang pangbukid upang matiyak na mabilis at maayos ang paghahatid ng tulong sa mga magsasaka.

Ang mga binhing ito ay ipapamahagi sa labindalawang rehiyon sa bansa, kabilang ang Central Luzon — ang pinakamalaking rice-producing region sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng pondong ito, sisiguruhing may sapat na de-kalidad na binhi ang mga benepisyaryong magsasaka upang mapataas ang kanilang ani at makasabay sa maagang pagtatanim.

Batay sa FY 2025 General Appropriations Act, may nakalaang P4 bilyon para sa PhilRice na sasaklaw sa pagbili, paghahatid, at pamamahagi ng mahigit 2.5 milyong (20kg/bag) inbred certified seeds para sa wet season na nagsimula noong Marso 2025.

Ang pondo ay inilabas sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order noong Mayo 14, 2025.

Related Articles

NationalNews

Veronica Corral

60
Views

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

92
Views