IBCTV13
www.ibctv13.com

Death threat statement ni VPSD, hindi palalampasin ni PBBM

Divine Paguntalan
120
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte attended the Committee on Good Government and Public Accountability hearing about OVP’s confidential funds on November 25, 2024. (Screengrab from HOR)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na hindi niya palalampasin ang binitiwang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa kanyang buhay pati na kina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez dahil ito ay banta maging sa pangkalahatang seguridad ng mga Pilipino.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., kailangan magkaroon ng pananagutan si Duterte sa kanyang naging habilin umano sa isang tao para ipapatay siya.

“Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga karaniwan na mamayan? ‘Yang ganyang criminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

Tiniyak naman niya na tuluy-tuloy ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng rule of law para protektahan ang Konstitusyon at ang buong bansa.

“As democratic country, we need to uphold the rule of law. Ako, bilang pinuno ng Executive department, at lahat ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, ay may sinumpaang tungkulin na tutupdin at pangangalagaan ang Konstitusyon at ang ating mga batas,” dagdag niya. – VC