IBCTV13
www.ibctv13.com

DFA, mariing kinondena ang plano ng China na magtayo ng ‘nature reserve’ sa Bajo de Masinloc

Hecyl Brojan
94
Views

[post_view_count]

Photo from Armed Forces of the Philippines (AFP)

Mariing kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang plano ng China na magtatag ng ‘nature reserve’ sa Bajo de Masinloc o mas kilala bilang Scarborough Shoal na tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) bilang “illegitimate and unlawful”.

Ayon sa DFA, ang Bajo de Masinloc ay matagal nang bahagi ng Pilipinas at saklaw ng soberanya at hurisdiksyon ng bansa. Tanging ang Pilipinas lamang ang may eksklusibong kapangyarihan na magtatag ng protected environmental areas sa nasabing teritoryo at mga maritime zone.

Maghahain naman ang Pilipinas ng isang pormal na diplomatic protest laban sa hakbang ng China, na malinaw umanong lumalabag sa karapatan at interes ng bansa sa ilalim ng international law.

Hinimok din ng DFA ang China na igalang ang soberanya ng Pilipinas, bawiin ang kanilang desisyon, at sumunod sa mga obligasyon sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa final and binding 2016 South China Sea Arbitral Award, at sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). –VC