IBCTV13
www.ibctv13.com

DICT-Meta, sanib-pwersa vs. deepfakes, scams

Ivy Padilla
129
Views

[post_view_count]

Isang landmark agreement ang nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Meta para palakasin ang mekanismo sa pagtukoy, pag-report, at pagtanggal ng mga hindi angkop na content sa social media platform na Facebook.

Ayon sa DICT, layon ng hakbang na gawing ligtas ang paggamit ng internet sa bansa, lalo na para sa mga bata at mga biktima ng panloloko sa digital platforms.

Unang bahagi ng naturang kasunduan ang pinaigting na kampanya laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Nangako ang Meta sa pamahalaan ng mas mabilis na pagtukoy sa child exploitation content, agarang pag-uulat nito sa mga awtoridad, at mas mabilis na pagtanggal ng mga hindi maayos na content.

Kasama rin ang matibay na koordinasyon laban sa mga financial scam na kumakalat sa social media, kabilang ang pekeng investment scheme, phishing attacks, digital fraud, at online scamming.

At huli, ang proteksyon kontra deep fakes na inaatake at sinisira ang reputasyon ng mga public servant, mga negosyante, at maski ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng gawa-gawa at minanipulang online content.

Inaasahan namang magreresulta ang mga nasabing kasunduan sa mas maayos, mas ligtas, at mas responsableng paggamit ng social media sa bansa. – VC

Related Articles

Feature

Khengie Hallig

197
Views

Feature

Ivy Padilla

390
Views

Feature

Kristel Isidro

1815
Views