IBCTV13
www.ibctv13.com

DICT, naglunsad ng ‘Oplan Bantay Padala’ para mabantayan ang reklamo vs courier services

Kristel Isidro
79
Views

[post_view_count]

Photo courtesy of PNA

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Oplan Bantay Padala, isang public monitoring portal na naglalayong tugunan ang mga reklamo laban sa courier at delivery services.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, layon ng programa na bigyan ang publiko ng paraan para maidulog sa kinauukulan ang kanilang reklamo kung nawawala, nasira, o hindi naihatid ang kanilang parcels sa pamamagitan ng pagsusumite ng email sa 1326@dict.gov.ph.

Mahalaga rin aniya ang portal para mabilis matukoy ng publiko kung aling courier service ang maaasahan habang nasusubaybayan ang pagproseso ng mga reklamo.

“Every week binibigyan po ako ng report ng team kung sino ‘yung mga delivery service na may mga problema, down to the specific problem po [at] marami na pong naayos,” ani kalihim.

Iniulat din ni Aguda na isang courier service ang naglunsad ng parcel insurance matapos makita ang dami ng reklamo sa kanilang serbisyo.

“Mas ligtas din po ‘yan kasi yung mga riders po ire-register na natin para kung sino-sino man po ang pumapasok sa lugar niyo na nagde-deliver, alam niyo na authentic na nagde-deliver po sila,” paliwanag ng kalihim.

Ayon sa DICT, ang programa ay hindi laban sa negosyo kundi sa serbisyong pabaya sa tao dahil ang pagkakaroon ng transparency ay nagdudulot ng accountability na nakatutulong upang gumanda ang serbisyo.

Inihalimbawa naman ni Aguda ang nakaraang Pasko, kung saan mataas ang volume ng deliveries ngunit ilan lamang ang naitalang reklamo. – VC