IBCTV13
www.ibctv13.com

Digitalization’ ng mga programa para sa mahihirap, palalakasin ng DSWD, UNDP

Ivy Padilla
56
Views

[post_view_count]

DSWD Secretary Rex Gatchalian and UNDP Resident Representative Dr. Selva Ramachandran witnessed the signing ceremony at the DSWD Central Office in Quezon City last November 15. (Photo by UNDP)

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOU) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at United Nations Development Programme (UNDP) na layong palakasin at isulong ang ‘social protection services’ sa bansa noong Nobyembre 15.

Sa ilalim ng kasunduan, pagtitibayin ng DSWD at UNDP ang kanilang pagtutulungan pagdating sa usapin sa digitalization, monitoring at evaluation.

Binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na malaking oportunidad ang nasabing partnership sa pagpapalakas ng mga programa para sa mga mahihirap at bulnerableng komunidad.

“We in the DSWD are grateful for partnership opportunities with organizations such as because it enables us to work hand-in-hand with experts to strengthen our digital infrastructure, improve data governance, and build robust, evidence-based systems to guide our decision-making processes with the overall goal of implementing innovative ways to expand social protection,” mensahe ni Sec. Gatchalian.

Tututukan ng dalawang ahensya ang pakikipag-ugnayan sa ibang stakeholders upang mapaigting ang digitalisasyon ng mga programa.

Bukod dito, mayroon din silang gagawing ‘technical collaboration’ para naman sa ‘data governance’ na layong palakasin ang monitoring at evaluation capacity ng DSWD.

Ayon kay UNDP Resident Representative Dr. Selva Ramachandran, makatutulong ang pagsasanib-pwersa ng dalawang ahensya para matiyak na akma ang mga programa sa nagbabagong pangangailangan ng mga tao.

“By leveraging digital tools and robust evaluation practices, we can ensure that our programs are not only effective but also adaptable to the ever-changing needs of our society,” saad ni Ramachandran.

Through this collaboration, we hope to contribute to the DSWD’s efforts to improve social protection and poverty-reduction initiatives for the poor, vulnerable, and the disadvantaged,” dagdag nito. – AL

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

49
Views

National

Divine Paguntalan

75
Views