IBCTV13
www.ibctv13.com

DOJ, nagbigay-pugay sa mga PWDs sa pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities

Jerson Robles
174
Views

[post_view_count]

Glenda Relova, Executive Director of the National Council on Disability Affairs (NCDA) delivered a message during the flag ceremony of the DOJ on Monday, Dec. 2. (Photo Courtesy: Department of Justice)

Nagbigay-pugay ang Department of Justice (DOJ) sa mga persons with disabilities (PWDs) kasabay ng kanilang flag ceremony nitong Lunes, Disyembre 2 bilang bahagi ng paggunita ng ahensya sa International Day of Persons with Disabilities ngayong Martes.

Bilang panauhing pandangal, dumalo si Glenda Relova, ang Executive Director ng National Council on Disability Affairs (NCDA), na nagpaalala sa publiko na “continue to amplify the voices of the vulnerable, break down barriers of exclusion and uphold the values that make justice the foundation of our shared humanity.”

Ipinahayag ni Relova na ang temang “Amplifying the Leadership of Persons with Disabilities for an Inclusive and Sustainable Future” ay nagsisilbing paalala sa lahat ukol sa mahalagang papel ng mga PWDs sa pagpapaunlad ng bansa.

Samantala, muling pinagtibay ni DOJ Assistant Secretary Randolph Pascasio ang buong suporta ng ahensya sa mga PWDs na nagtratrabaho sa DOJ habang binigyang-diin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa administrasyon ng katarungan.

“Your DOJ has always recognized the significant contribution of PWDs to society. In our midst, we have around 151 persons with disabilities demonstrating dedication and diligence in their work, contributing to the success of our department,” saad ni Asec. Pascasio.

Sa isinagawang Disability Compliance Audit noong Nobyembre 25, ibinida ni Pascasio ang pagsunod ng DOJ sa mga batas ukol sa accessibility at iba pang may kinalaman sa mga taong may kapansanan.

Hinikayat naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang mga kasamahan sa gobyerno na ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa tama, sa pamamagitan ng pagtatanggol sa mga mahihina at pagsusulong ng “equality and inclusivity”

“Let us not forget that the true essence of the rule of law is by giving justice to those who most need it the most,” saad ni Remulla.

Ang pagdiriwang na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga PWDs, habang pinapalakas ang kanilang boses at liderato para sa isang mas inklusibong lipunan. – VC

Related Articles