IBCTV13
www.ibctv13.com

DOJ Sec. Remulla, tinalakay ang Teves case kay Timor-Leste President sa isang state visit

Ivy Padilla
271
Views

[post_view_count]

Justice Secretary Jesus Crispin Remulla met with Timor Leste President José Ramos-Horta during a state visit to Timor Leste on October 1. (Photo by DOJ)

Nagsagawa ng state visit si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa Timor Leste para sa isang ‘high-level meeting’ kasama ang matataas na opisyal ng naturang bansa nitong Martes, Oktubre 1.

Sa meeting, ipinaabot ni Justice Secretary Remulla ang dalawang ‘agenda points’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Timor Leste President José Ramos-Horta kaugnay sa ‘critical diplomatic’ at ‘security issues’.

Kabilang dito ang kaso ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr. na nahaharap sa maraming kaso ng pagpatay sa Pilipinas at kasalukuyan pa rin na nagtatago sa Timor Leste.

Umaasa ang kalihim sa patuloy na pakikipagtulungan ng kabigang bansa para mapauwi na si Teves. Nangako rin si Remulla na maghihintay sa ‘legal resolution’ sa kaso ng dating kongresista sa Timor Leste habang pinagtibay ang pagsunod sa ‘due process’ ng Philippine government.

“This case is about delivering justice under the rule of law and ensuring that those responsible for these heinous crimes are held accountable. We continue to respect the sovereignty and legal processes of Timor Leste, but we are steadfast in our resolve to pursue justice for the victims in the Philippines,” saad ni Remulla.

Alinsunod pa sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. pormal na ipinaalam ni Sec. Remulla sa Timor Leste President ang opisyal na pagbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.

Idinetalye ng kalihim ang naging karanasan ng Pilipinas sa POGO kabilang ang mga isyu ng kriminalidad at iba pang banta sa kaligtasan ng publiko bilang babala sa Timor Leste authorities.

Sa gitna ito ng mga report na posibleng lumipat o maging bagong destinasyon ng POGO operations ang Timor Leste. -VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

92
Views

National

Divine Paguntalan

92
Views