Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) ang pagsusulong sa expanded accreditation program upang gawing nangungunang health and wellness destination ang Pilipinas sa Southeast Asia region.
Nitong Lunes, Oktubre, pinangunahan ng Department of Tourism (DOT) katuwang si First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagho-host ng Pilipinas sa International Health and Wellness Tourism Congress (IHWTC).
Ibinahagi rito ng ahensya ang pakikipagtulungan sa mga hospital, wellness centers, dental clinics at iba pang medical facilities upang matiyak na nakasunod sa international quality standards.
Sa katunayan, ilang international at world-class medical facilities kabilang ang Medical City, Makati Medical Center at St. Luke’s Hospital ang ka-partner ng ahensya.
Nasa 38 bansa ang nagpadala ng delegado sa pagtitipon upang siyasatin ang potensyal ng medical at wellness tourism sa bansa.
Itinampok dito ang iba’t ibang ‘Filipino Brand of Wellness’ gaya ng traditional healing practices, organic products at iba pang treatments.
Kabilang sa ipinagmalaking local wellness offerings ng bansa ang hilot o ang tradisyunal na massage technique.
“This combination of modern healthcare and time-honored traditions makes the Philippines a unique and appealing destination for those seeking a complete wellness experience,” saad ni DOT Secretary Christina Frasco sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon, Huwebes.
Matatandaang lumapag sa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa 2020-2021 Medical Tourism Index sa mga bansa sa Southeast Asia. -VC