IBCTV13
www.ibctv13.com

DOTr officials, obligado nang mag-commute para masilip ang karanasan ng commuters

Hecyl Brojan
51
Views

[post_view_count]

The Department of Transportation (DOTr) has released a memorandum mandating its road and rail sector officials to use public transportation at least once a week. (Photo from DOTr)

Simula ngayong linggo, obligado nang gumamit ng pampublikong transportasyon ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), ayon sa inilabas na memorandum ni Acting Secretary Giovanni Lopez.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng agarang solusyon ang problema ng mga komyuter para mabigyan sila ng mas mabilis at mas maginhawang biyahe.

Inaatasan ang mga opisyal ng road at rail sectors na mag-commute nang hanggang isang beses kada linggo upang mas maunawaan ang pang-araw-araw na karanasan at pangangailangan ng mga pasahero.

“Itong mga opisyal natin sa Road at Rail sector, sila talaga ‘yung mga dapat lumalabas lagi kasi karamihan ng ating mga proyekto ay nasa mga sektor na ito,” ani Sec. Lopez.

Kinakailangan din magsumite ng mga opisyal ng report at rekumendasyon para sa ikabubuti pa ng serbisyo ng pampublikong transportasyon.

Nauna nang nag-commute si Sec. Lopez sa rush hour ngayong Lunes, upang personal na makasalamuha ang mga mananakay at maobserbahan ang kanilang karanasan. –VC