Muling nagpaalala ang Bureau of Immigrations (BI) sa mga dayuhang empleyado ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na hanggang Oktubre 15 na lamang maaaring ma-downgrade ang kanilang mga visa.
Mula working visa, kinakailangang i-downgrade patungong temporary visitor ang kanilang mga visa upang legal na makapamalagi sa Pilipinas sa loob ng 59 na araw habang inaasikaso ang kanilang mga papeles bago bumalik sa kani-kanilang bansa.
Ang 59-days period ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapaalis sa bansa ang lahat ng dayuhang POGO worker bago matapos ang taon.
“We are expediting the downgrading process to comply with the President’s directive. We encourage POGO workers to file as early as possible to avoid complications,” saad ni BI Commissioner Joel Anthony Viado
Sa pinakahuling tala ng BI, umabot na sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga dating POGO worker na nag-downgrade ng kanilang visa at inaasahang mas darami pa bago ang deadline. -VC