IBCTV13
www.ibctv13.com

DPWH, handa sa posibeng epekto ng Typhoon Leon sa Ilocos at Cagayan regions

Ivy Padilla
255
Views

[post_view_count]

Photo by DPWH/File

Inihanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang mga tauhan, gayundin ang mga kagamitan na kakailanganin sa pagtugon sa posibleng epekto ng Typhoon Leon sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Naka-standby na sa mga district office ng Ilocos region ang nasa 1,113 personnel kasama ang 102 heavy equipment units, 85 motor vehicles at 2,190 light equipment units ayon kay DPWH Assistant Regional Director Mathias Malenab.

Samantala, nasa 43 personnel kasama ang 11 heavy equipment, dalawang motor vehicles, at 12 light equipment naman ang naka-posisyon sa Cagayan Valley.

Tiniyak ni Malenab na handa ang mga tauhan ng ahensya na magsagawa ng agarang clearing operations upang mapanatiling ‘passable’ ang mga kalsada partikular na sa main highway sa pagitan ng Ilocos at Cagayan Valley regions.

“So, naka-standby lang po ‘yung mga tao natin but if mayroon namang mangyari na ganoon na bago lang, naka antabay po, naka ready ‘yung mga tao natin na mag-clear if ever may mga sections na ganoon po,” saad ni Malenab.

Ang pagkilos ng DPWH ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguraduhing bukas ang mga daanan upang magamit sa transportasyon ng mga tao at iba pang mahalagang bagay. – VC

Related Articles