Nananatiling nakatutok ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng ‘resilient and sustainable’ na komunidad.
Binanggit ni DPWH Director Alex Bote sa isang news forum nitong Sabado, Nobyembre 23, na patuloy ang pagkilos ng ahensya para mapaganda ang mga local access road na layong makatulong sa sektor ng agrikultura at kalakalan.
“We are into the improvement of local access roads na may significant impact po sa ating agriculture, trade at industries. May mga convergence program po tayo rito sa ibang line agencies of the government,” saad ni Bote.
Isa ang DPWH sa mga ahensya ng gobyerno na nangunguna sa pagpapatupad ng Infrastructure Flagship Projects (IFPs) ng administrasyon.
Ayon kay Bote, nasa 30 flagship projects ang kasalukuyang tinatrabaho ng ahensya.
“DPWH will continue to implement various programs that will make communities resilient and sustainable,” pagtitiyak ng opisyal.