
Tinanggal na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang P255.258 bilyong pondo para sa locally-funded flood control projects sa bagong proposed budget ng ahensya sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program.
Ibinaba ng DPWH sa P624.784 bilyon ang panukalang pondo nito mula sa orihinal na P881.312 bilyon.
Tugon ito ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tanggalin ang pondo sa local flood control projects sa susunod na taon dahil sa umano’y anomalya sa mga proyekto.
Ang inalis na pondo ay ilaan sa ibang proyekto at programa ng pamahalaan gaya ng kalusugan, edukasyon, at agrikultura. – VC