Nagpasalamat si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Mercury Drug Corporation (MDC) para sa pagsuporta sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.
Nitong Huwebes, Setyembre 12, opisyal nang nagkasundo sina Sec. Gatchalian at MDC President Vivian Que-Azcona para sa pagtanggap ng DSWD Guarantee Letters (GLs) sa mga piling branch ng Mercury Drugs sa bansa.
Pinahihintulutan ng Guarantee Letters ang mga mahihirap na benepisyaryo ng DSWD na makabili ng mga kinakailangang gamot na wala nang aalalahaning gastos.
Kailangan lamang ipakita ng mga benepisyaryo ang dokumento na magpapatunay na kabilang ito sa AICS program ng ahensya. -VC