IBCTV13
www.ibctv13.com

DTI: Higit 2 buwang price freeze sa mga lugar na apektado ng STS Kristine, epektibo na!

Ivy Padilla
556
Views

[post_view_count]

Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 60-day price freeze sa mga pangunahing produkto na ibinebenta sa mga lugar na lubos naapektuhan ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine.

Sa inilabas na consumer advisory, nagpaalala ang ahensya sa mga business establishment na nagsimula nang maging epektibo ang price freeze ng 11:54 a.m. ngayong Biyernes Oktubre 25, sa mga sumusunod na lugar:

– Albay
– Camarines Norte
– Catanduanes
– Cavite
– Camarines Sur
– Magpet, Cotabato
– Calbayog, Samar
– Sorsogon (Bulan at Donsol)
– Quezon Province (Tagkawayan, Mulanay, Gen. Luna)
– Eastern Samar (Maydolong, Borongan City, San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Maslog, Jipapad)
– Binan, Laguna
– Cuenca, Batangas

Una nang tiniyak ni DTI Acting Secretary Maria Christina Roque na ginagawa ng ahensya ang lahat upang masiguro na mayroong sapat na suplay ng pagkain para sa mga biktima ng bagyo.

Aniya, mahigpit nilang ipatutupad ang price freeze upang maiwasan ang anumang uri ng pananamantala ng mga negosyante.

Paalala ni Roque, agad i-report sa DTI hotline sakaling makatagpo ng mga retailers, distributor o manufacturers na nagbebenta ng higit sa itinakdang presyo. -VC

Related Articles