IBCTV13
www.ibctv13.com

Easterlies, localized thunderstorms, magdadala ng pag-ulan sa Luzon, Eastern Visayas ngayong Miyerkules – PAGASA

Divine Paguntalan
400
Views

[post_view_count]

Commuters waiting for their ride during a rainy day in Quezon City. (Photo by Michael Peronce, IBC 13)

Asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon at Silangang bahagi ng Visayas ngayong Miyerkules, Oktubre 16, batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather bureau, walang namataan na sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngunit asahan pa rin ang pabugsu-bugsong ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na easterlies o hangin na nagmumula sa silangan.

Posible rin makaranas ng mga biglaan at panandaliang pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa pagdating ng hapon hanggang gabi dahil naman sa localized thunderstorms.

Sa kabila ng magandang panahon, patuloy ang paalala ng PAGASA na maging alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. —VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

49
Views

National

Ivy Padilla

67
Views