IBCTV13
www.ibctv13.com

Easterlies, magpapaulan sa Luzon, eastern Visayas ngayong Martes

Alyssa Luciano
257
Views

[post_view_count]

Commuters waiting for their ride during a rainy day in Quezon City. (Photo by Divine Paguntalan, IBC 13)

Malaki ang posibilidad na makaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon region at silangang bahagi ng Visayas ngayong Martes, Oktubre 15, batay sa 4:00 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather bureau, bagama’t wala nang binabantayan na low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR), makararanas pa rin ng pabugsu-bugsong ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa easterlies o hangin na nagmumula sa silangan.

Posible ring makaranas ng biglaan at panandaliang mga pag-ulan ang iba pang bahagi ng bansa mamayang hapon bunsod naman ng localized thunderstorms.

Wala namang nakikita ang PAGASA na posibilidad na may mamuong LPA sa PAR sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sa ngayon, pinapayagan pa ang pagpalaot ng mga mangingisda sa mga karagatan.

Ngunit pinapaalalahanan pa rin ang publiko na maging maingat sa epekto ng pag-ulan na inaasahang bubuhos tuwing hapon o gabi. —VC