IBCTV13
www.ibctv13.com

Edukasyon, public works, kalusugan, pinakamalaking alokasyon sa 2026 NEP

Divine Paguntalan
105
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. received the copy of 2026 National Expenditure Program on August 12, 2025. (Photo from PCO)

Nananatiling may pinakamalaking pondo sa panukalang National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 ang sektor ng edukasyon, public works at kalusugan.

Mula sa P6.793 trilyong panukalang pambansang pondo, P928.5 bilyon ang alokasyon para sa edukasyon; P881.3 bilyon sa public works at P320.5 bilyon sa kalusugan.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nakatuon ang 2026 NEP sa pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya at sa pamumuhunan para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA), iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-veto sa 2026 budget kung hindi tutugma sa NEP at sa development agenda ng kanyang administrasyon.

Nitong Martes, Agosto 12, ipinrisenta na ng DBM, sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman, ang NEP kay Pangulong Marcos Jr.

Ngayong araw, pormal nang nabigyan ng mga kopya ang Kongreso bilang kanilang batayan sa paggawa ng General Appropriations Bill. – VC

Related Articles