
Lumago ng 4.0% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2025, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes, Nobyembre 7.
Ayon kay PSA Usec. Claire Dennis Mapa, ang services sector ang may pinakamalaking ambag sa ekonomiya na umabot sa 3.6 percentage points, habang 0.9% at 0.21% naman ang mula sa industry at agriculture sectors.
Gayunman, iniulat ng Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) na bumaba ang consumer confidence at household spending dahil sa mga isyu ng korapsyon sa flood control projects at epekto ng sunud-sunod na kalamidad, dahilan upang magtipid ang maraming mamimili.
Tiniyak naman ng DepDev na nakikipagtulungan ito sa iba’t ibang ahensya upang maibalik ang tiwala ng publiko at mapabilis ang tulong pinansyal sa mga apektadong komunidad, kasabay ng inaasahang mas mabilis na pag-angat ng ekonomiya sa 2026. (Ulat mula kay Crystal Ramizares, IBC News) – IP











