IBCTV13
www.ibctv13.com

Ekonomiya ng Pilipinas, nakikitang lalago sa 5.6% ngayong 2025 – ADB

Ivy Padilla
147
Views

[post_view_count]

IBC File Photo

Inaasahang papangalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na paglago ng ekonomiya sa mga bansa sa Southeast Asia ngayong 2025 ayon sa ulat ng Asian Development Bank (ADB) ngayong Miyerkules, Hulyo 23.

Batay sa Asian Development Outlook para sa Hulyo 2025, inaasahang papalo sa 5.6% ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Pangalawa ito sa growth outlook ng Vietnam na nasa 6.3% na susundan ng Indonesia (5%), Malaysia (4.3%), Thailand (1.8%), at Singapore (1.6%).

Matatandaan na lumago sa 5.4% ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang kwarter ng taong 2025.

“Domestic demand grew 6.7 percent, supported by easing inflation and monetary policy. However, net exports dragged on growth as brisk imports outpaced exports,” saad ng ADB.

Bukod dito, bahagya ring bumawi ang manufacturing index (PMI) sa 50.7 noong Hunyo mula sa 50.1 noong Mayo.

“Consumer sentiment was positive in the near term. Unemployment was low at 3.9 percent in May, and remittance growth of 3.0 percent helped sustain household spending,” dagdag ng ADB.

Samantala, bumaba naman sa 2.2% ang nakikitang headline inflation ng bangko ngayong taon mula sa nauna nitong forecast na 3%. – VC