IBCTV13
www.ibctv13.com

Employment rate para sa buwan ng Setyembre 2025, tumaas sa 96.2% – PSA

Hecyl Brojan
61
Views

[post_view_count]

Manila City LGU and Public Employment Service Office (PESO) hosted a Job Fair at Robinsons Manila. (File Photo)

Bahagyang tumaas sa 96.2% o katumbas ng 9.6 milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho para sa buwan ng Setyembre 2025, batay sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, Nobyembre 6.

Kasabay nito, bumaba naman ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa mula 3.9% noong Agosto patungong 3.8% noong Setyembre.

Ayon kay National Statistician Usec. Claire Dennis S. Mapa, nakaapekto sa datos ang mga nagdaang weather disturbance at personal na rason kung bakit umaalis sa workforce ang mga manggagawang gaya ng pag-aalaga sa pamilya, pagbabalik sa pag-aaral, at pagkakasakit.

“Definitely pag may weather disturbances. ‘di nakakalabas for work.” paliwanag niya.

Kumpiyansa naman ang PSA na tataas muli ang employment rate sa mga susunod na buwan dahil sa seasonal employment ngayong papalapit ang holiday season.

Una nang tiniyak ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan na patuloy na tututukan ng administrasyon ang mga estratehiya at programang makapagbibigay ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino. (Ulat mulat kay Christel Delfin, IBC News) – IP