IBCTV13
www.ibctv13.com

Erwin Tulfo, nangunguna pa rin sa 2025 senatorial race survey – Tangere

Jerson Robles
2058
Views

[post_view_count]

Photo from Erwin Tulfo

Nangunguna pa rin si ACT-CIS Partylist Representative at senatorial aspirant Erwin Tulfo sa napupusuan ng mga Pilipino para sa 2025 midterm elections matapos makakuha ng 63.13% sa isinagawang survey ng research firm na Tangere mula Disyembre 10-14.

Sinundan siya ng kanyang kapatid na si Ben “Bitag” Tulfo na may 51%, at nina former Senator Vicente “Tito” Sotto (50.50%) at Sen. Bong Go (49.50%).

Kasama rin sa mga nangungunang kandidato sina Sen. Pia Cayetano (42.71%), ang dating mga senador na sina Manny Pacquiao (42%) at Ping Lacson (41.54%), former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos (34.50%), pati na si Sen. Bong Revilla Jr. (34.33%).



Ayon sa ibinabang kalendaryo ng Commission on Elections (COMELEC), magsisimula ang election period simula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025 habang ang campaign period naman para sa mga kandidato at party-list groups ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10, 2025. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

72
Views