nguna si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa pre-election senatorial survey ng opinion poll survey na Tangere matapos makakuha ng 64.83% na boto mula sa mga respondente nito.
Pumangalawa naman ang kanyang kapatid na si Ben Tulfo na nakakuha ng 52.25% na sinundan ni Sen. Bong Go (50.13%).
Pasok din sa listahan si former Senators Vicente Sotto III (49.71%), Manny Pacquiao (41.50%), Panfilo Lacson (41%) at ang re-electionist na si Pia Cayetano (40.46%).
Sinundan naman sila ng senatorial aspirant na si Abby Binay (37%), former DILG Secretary Benhur Abalos (33.96%), Lito Lapid (31.92%), Bong Revilla (31.17%), at Senate Majority Leader Francis Tolentino (31.04%)
Ayon kay Tangere President at CEO Martin Peñaflor, ang katangiang hinahanap ng mga botante sa kanilang ibobotong kandidato ay hindi corrupt, mapagkakatiwalaan at may integridad, at may takot sa Diyos.
Isinagawa ang naturang survey nitong Nobyembre 6-9 sa tulong ng 2,400 respondente mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. – RY/AL