Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan, gayundin ang pasok sa mga opisina sa lungsod sa darating na Lunes, Enero 13, bilang pakikiisa sa idaraos na ‘National Rally for Peace’ ng Iglesia ni Cristo (INC).
Kabilang sa walang pasok ang Public Day Care hanggang Senior High School, pati na ang Alternative Learning System (ALS).
Inaasahang magpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng alternative delivery mode o synchronous at asynchronous.
Wala na ring pasok sa mga opisina ng lokal na pamahalaan ng QC ngunit nilinaw na tuloy ang online transactions.
Ipinauubaya ng QC government sa mga private schools at private companies ang pagpapasya kung magsususpinde ng pasok at operasyon.